Paano magtrabaho nang kumportable sa bahay habang may MECQ


Easy Tricks Upang Maging Komportable Mag-Work From Home Para Maiwasan Ang Sakit Sa Katawan at Mental Slump

Bago ang pandemyang ito, ang bahay ay isang kanlungan na malayo sa trabaho para sa marami. Pero ngayong ang work from home ay mukhang magiging bahagi na ng normal nating pamumuhay, marami sa atin ang nahihirapan pang mag-adjust sa ganitong set-up. 

Malayo sa ating karaniwang kapaligiran sa pagtatrabaho, maaaring ipinagpalit na natin ang computers natin na may malalaking monitor at ergonomic computer chairs para sa laptops at pangkaraniwang upuan. Ngunit narito ang 7 na madaling tricks para maiwasan ang backaches, eye strains, at mental slumps para maging isa kang kampeon ng work from home habang naka MECQ, GCQ ang Metro Manila at ang ibang panig ng Pilipinas. 


1. Gumamit ng tennis ball-sized na bola para mapawi ang backaches


Ang tennis ball-sized na stress ball ay magagawa ang trick
Ang tennis ball-sized na stress ball ay magagawa ang trick

Ang pag-upo sa harap ng iyong mesa buong araw ay madaling maging dahilan upang sumakit ang iyong likod. Para sa mabilis na masahe, ang tennis ball o kahit anong bola na kagaya nito ng sukat ang iyong magiging matalik na kaibigan.

Umupo at ilagay ang bola sa lugar sa iyong likod na masakit. Pagkatapos, itulak ang sarili sa iyong upuan sa nais na lakas. Pwede ka ring gumalaw mula sa kanan hanggang kaliwa at vice-versa para mahaplos ng bola ang lahat ng parte na sumasakit sa iyong likod.

Hindi mo lamang magagawa ito habang nagtatrabaho, maaari mo ring ulitin ang masahe pagkatapos ng iyong araw para matanggal ang kahit anong igting sa hilagang parte ng iyong likod at iyong balikat. 


2. I-adjust ang screen ng computer ayon sa iyong eye level


I-adjust ang screen ng computer ayon sa iyong eye level Masasabi natin na ang pinakamagandang bahagi ng pagtatrabaho sa opisina ay ang pagkakaroon ng malaking monitor. Habang ang ibang kumpanya ay pinapayagan ang mga tao nito na i-uwi sa kanilang mga bahay ang mga monitors ng opisina, marami pa rin ang umaasa sa laptops upang magawa ang kanilang trabaho.

Ito ay maaaring mag-resulta sa eye strains at neck aches mula sa pagtingin pababa nang mahabang oras. Kaya mas maganda na ang iyong screen ay kapantay ng iyong mata para hindi ka nakakuba. 

Habang makakabili ka ng laptop stand para dito, ang madaling solusyon ay ang paglagay ng iyong laptop sa taas ng mga librong iyong pinagpatong-patong. 

Narito ang 5 gamit na maaari mong mabili para makapag-work from home ka tulad ng isang pro.


3. Mag-rolyo ng pamunas o hoodie bilang nakahandang back support


Mag-rolyo ng pamunas o hoodie bilang nakahandang back supportMadalas tayong yumuko paharap sa ating mga mesa dahil mas komportable ito sa una. Ngunit makalipas ang ilang sandali, mararamdaman mo na ang pagkangawit ng iyong leeg. 

Para sa mas magandang postura at masuportahan ang likas na kurba ng iyong gulugod, mag-rolyo ng hoodie o pamunas. Kung saan ito ilalagay, umupo at idikit ang iyong dibdib palabas upang makagawa ng espasyo sa gitnang parte ng iyong likod – doon mo ilalagay ang rolyo mo.


4. Malamig na bote ng tubig para sa sakit sa paa at binti


Work from home comfortably (1)
Maaari tayong masobrahan ng kakaehersisyo sa bahay na makakasakit sa ating katawan. Ang sinumang nakagawa na ng matinding ehersisyo sa bandang ibaba ng katawan ay alam kung gaano hindi komportable ang sakit sa kalamnan habang ikaw ay nagtatrabaho – lalo na kung ikaw ay nakaupo nang matagal.

Para mabawasan ang sakit, magpalamig ng bote ng tubig – siguraduhing hindi ito babasaging baso, dahil ito ay maaaring mabasag pag inalis na ito sa freezer. I-masahe ang iyong katawan na may pagsikip gaya ng paa at binti sa malamig na bote ng tubig. 

Para sa mas magandang foot massage, maglagay ng pamunas sa ibaba ng malamig na bote na iyong inirorolyo sa iyong paa. Mapapalamig ka nito para ang iyong kamay ay tuluy-tuloy lang sa pagta-type.


5. Makinig sa playlist ng mga nakaka-relax na tunog pang-opisina para pakiramdam mong ikaw ay nasa opisina 


Para sa atin na hindi pa sanay sa work from home, may paraan upang makondisyon ang isip na ganahan sa trabaho. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pakikinig sa nakaka-relax na tunog na madalas nating marinig sa opisina gaya ng tunog ng pagta-type sa keyboard o isang katrabaho na gumagamit ng printer, para makondisyon ang utak na ikaw ay nasa opisina lang. 

Ipares dito ang noise-cancelling headphones para mas lalong makondisyon ang sarili sa tamang kaisipan, piliin ang mga tunog na parang puting tunog sa iyo, at i-off ang alinmang ingay na nakakainis o nakaka-istorbo. 

Pakinggan ang playlist na ito mula sa Spotify.


6. Bawasan ang blue light exposure para protektahan ang iyong mga mata


. Bawasan ang blue light exposure para protektahan ang iyong mga mata

Ang mga computers, cellphones, at ibang digital devices ay naglalabas ng blue light. Ang problema sa mataas na exposure sa blue light ay ang pagiging dahilan nito sa pagkasira ng light-sensitive cells ng iyong retina, na sa kalaunan ay maaaring maging dahilan naman ng pagkawala ng iyong pagtingin. Bukod pa rito, ang blue light ay dahilan din ng sakit sa mata na maaaring pinagmulan ng iyong mid-day headaches at medyo malabong paningin. Nako po. 

Para malabanan ang blue light na inilalabas ng iyong mga digital devices, mamuhunan sa isang pares ng salaming pang-PC na may blue-light reducing na mga lente. Ang mga salaming ito ay may filters na makakatulong sa pag harang o pagkuha ng blue light rays, na binabawasan ang strain sa iyong mga mata.


7. Magbasa saglit upang mapahinga ang utak


Magbasa saglit upang mapahinga ang utak Minsan, hindi kailangang pilitin ang sarili na kayanin ang mga bagay na hindi mo na kaya. Kung ikaw ay nahihirapan na na tapusin ang iyong gawain, ang pagbibigay sa iyong isip ng maikling pahinga ay may benepisyo pa sa pagbalik mo sa iyong pagiging busy. 

Alinsunod sa tinatawag na Pomodoro Method, bigyan mo ang sarili mo ng 5-minute break pagkatapos ng 25 minutong trabaho. Gamitin mo ang sandaling ito para makinig sa podcast o magbasa ng interesanteng article na nakaplano mo nang basahin. Mamili ng bagay na madaling maunawaan at mas mabuting iba sa paksa ng iyong tinatrabaho. 

Minsan, isang sariwang pananaw lang ang kailangan mo para matapos ang iyong trabaho. 


Magtrabaho nang kumportable at produktibo sa inyong mga bahay 


Sa paga-apply ng mga easy tricks sa itaas, makokondisyon mo ang iyong kaisipan sa trabaho at maiibsan ang sakit sa katawan na maaari mong maramdaman habang nakaupo sa iyong pangkaraniwang upuan sa bahay.

Basahin din ang mga sumusunod:


The English version of this article was originally published on TheSmartLocal.com and written by Clarice Chua.