10 Common Supermarket Mistakes Sa Pamimili Ng Karne, Gulay, Prutas, At Dairy Products

Common supermarket mistakes


Para sa marami sa atin, ang ating mga magulang ay mga diyos at diyosa na mahusay mamili ng mga pinaka-kalidad na grocery items sa supermarket. Pero ngayong malalaki na tayo at ginagawa na ang ating sariling grocery runs, may mga nagawa na tayong supermarket mistakes na nagpa-realize sa atin na kailangan talaga ng karanasan sa pagpili ng tamang produkto habang isinasaalang-alang ang shelf life at tinitipid ang pera.

Mula sa pagkuha ng prutas na hindi mahihinog hanggang sa pagbili ng hindi magandang karne at isda, narito ang pinakamadalas na supermarket mistakes na gingawa ng mga amateurs kapag namimili ng karne, gulay, at dairy products sa supermarkets.

Tignan ang iba pang mga artikulo ng The Smart Local Pilipinas:


– Karne –



1. Pag-una sa pagbili ng karne


Kagaya ng panunuod ng series o pagsunod sa isang skincare routine, may sequence din na dapat sundin sa grocery shopping. Kung meron ka ng buong listahan ng mga produktong bibilhin mo, hayaan ang karne na maging huling tigil mo bago ka magbayad sa cashier.  

Ito ay dahil mas mataas ang pagkakataon ng pagdami ng bakterya sa karne kapag mas mahabang oras ito na nasa room temperature. At kapag mas maraming bakterya sa karne, ang lifespan nito ay umiiksi, kahit ito ay nakalagay sa refrigerator. 


2. Hindi pag-sisiyasat sa karne at expiration date



Image credit: @goldenvalleyindustries

Kapag ikaw ay nakarating na sa meat section, huwag kunin na lang ang unang pakete ng manok o baka na makita mo. Karamihan sa atin ay hindi umaalis sa isang bilihan ng gadgets nang hindi sinisiyasat muna ang binibili natin at lalong dapat itong i-apply sa pagbili ng pagkain. 

Ang mga pulang karne gaya ng baka ay dapat pula, habang ang karne ng baboy ay dapat kulay pink – ibig sabihin, wala ka dapat makita na mga weird na brown spots na senyales na ang karne ay malapit nang masira. Gayundin, siguraduhin ang karne ay walang labis na likido sa packaging nito dahil ang sobrang liquid juice ay nangangahulugang hindi ito naitabi nang maayos. 

Tignan din ang expiration date, para matiyak na ang kinukuha mong karne ay hindi pa malapit masira. 

Tip: Sinusunod ng mga supermarket ang first in, first out rule – maghanap ng bagong stocks sa likod at luma sa harap.  


3. Hindi pagsasamantala sa libreng serbisyo



Image credit: @1fish2fishoutdoors

Hindi alam ng ilan sa atin na puwede mong i-request sa staff ng supermarket na tulungan ka sa mga bagay gaya ng descaling at filleting. Kung ikaw ay noob pa sa pagluluto o hindi pa sanay sa isda, samantalahin ang mga libreng serbisyo na inaalok nila o baka masira mo pa ang isang perpektong isda. 

Kahit na kaya mo naman itong gawin mag-isa, bawas din ito sa prep time mo sa kusina kaya’t wala namang masama. 


– Gulay at prutas – 



4. Pag-iwas sa mga may spots o specks



Image adapted from: @the_strusiel & @nicecreamhopkins

Marami sa atin ang gulity sa pagkakamaling ito – pag-iwas sa mga prutas at gulay na may maliliit na natural spots or specks. Para tayong si Snow White na naaakit sa makintab, pula, at makinis na mansanas. 

Ngunit ang katotohanan ay, ang itsura ng mga sariwang bunga ay minamanipula ng mga manufacturers para magmukhang nakakaakit ang mga ito. Kapag ang gulay o prutas ay mukhang hindi likas na makinis, ito ay madalas dahil sa wax o pesticides na pinagmumukha silang makintab at saiwa. 

Para maiwasan ang mga kemikal na ito, mamili ng bunga na may konting mga spots dahil ibig sabihin ito ay pinalago nang likas hangga’t maaari, hindi gaya ng iba na mukhang masyadong perpekto. 


5. Pagpili ng prutas na masyadong hilaw



Image credit: @reall_y_mi

Makatwiran na mamili ng prutas na mahihinog pa lamang upang bumili pa ng oras bago natin ito kainin. Ngunit dapat lamang gawin ito para sa sa mga prutas na patuloy na nahihinog sa kanilang sarili tulad ng saging at peaches.  

Sa kabilang banda, ang mga prutas gaya ng strawberries, raspberries, at pineapples na maagang pinili ay hindi mahihinog nang maayos, ibig sabihin, mataas ang pagkakataon na hindi ito magiging matamis. 

Kaya mahalangang malaman anong prutas ang mahihinog nang kusa at puwedeng bilhin nang maramihan at anong prutas naman ang dapat lamang bilhin kapag sila ay puwede nang kainin. Narito ang listahan na puwede mong sundin:


6. Pagbili ng prutas na labas sa panahon nito



Image credit: Pexels 

Sagana ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng prutas dahil sa klima nating tropikal. Pero habang may mga prutas na laging mabibili sa supermarket – gaya ng saging, papaya, at pomelo – may mga prutas naman na pana-panahon lamang. 

Ang pambansang prutas natin na mangga ay in-season mula Marso hanggang Hunyo. Habang ang mga pinya naman ay sagana tuwing Mayo hanggang Hulyo. Ang paborito nating i-halo sa halo-halo, ang melon ay madalas makikita sa pamilihan mula Abril hanggang Hulyo. Kapag gamay mo na ang panahon ng bawat prutas, mas magkakaroon ka ng idea kailan sila mas mahal o mas mura. Kung in-season ang prutas na bibilhin mo, mas mura itong binebenta kaysa kapag off-season nito. 


7. Pagbili ng bunga na madaling masira kapag binili nang maramihan



Image credit: @emmieoh

Madalas sa ating mga bihasa na sa pamimili sa grocery ang pagbili nang sobra sa kailangan nila, lalo na ngayong tayo ay nasa quarantine. Kung ang pinag-uusapan ay ang mga mabibilis na masirang pagkain gaya ng avocado, broccoli, spinach, at strawberries, ang pagbili nang sobra sa mga ito ay madalas mag-resulta sa pagkasira nila bago pa tayo magkaron ng pagkakataon na kainin sila.

Kaya, kahit nakakatukso na bumili nang mas marami pa sa kailangan natin para masamantala ang mga Buy 1 Take 1 deals, sundin lang dapat natin kung ilan ang kailangan natin para hindi tayo magsayang at maiwasan ang hindi kinakailangang stress.  Maliban na lamang, syempre, kung may malaki kang pamilya na pinapakain.


– Dairy products – 



8. Hindi pagsuri sa nagagastos kada unit


Ang isa pang paraan ng mga supermarket para mahikayat tayong gumastos nang mas marami ay ang pag-aalok ng mga bundle deals. Kapag sinabi nating bundles, akala natin ay mas nakakatipid tayo. Ngunit ihambing ang mga “promo” bundles at standalone items, at maaari mong mapagtanto na minsan ay mas magandang huwag na lamang pansinin ang mga bundles na ito. 

Gawing halimbawa ang nasa ibaba: 

  • 2 karton ng 275ML na gatas na nagkakahalaga ng P180, na sa kabuuan ay ~P0.65/ML
  • 1 karton ng 500ML na gatas na nagkakahalaga ng P120, na sa kabuuan ay ~P0.24/ML

Ang pagkakaiba sa mga numero ay maaaring maliit lamang, ngunit kaya nitong kainin ang ipon mo sa katagalan. Siguraduhing sinusuri ang pagkakaiba ng mga presyo at ang dami ng nilalaman ng produkto. 


9. Pagbili ng gatas na nasa translucent na lalagyan


Ang lalagyan ng gatas ay mukhang hindi na dapat isaalang-alang sa pamimili, ngunit ito ay may malaking epekto sa shelf life. Ang gatas na nakalagay sa translucent jugs ay mas madaling masira kaysa sa mga nakalagay sa karton. Ito ay dahil sa ang ilaw ay kayang i-penetrate ang mga translucent na lalagyan, na magiging sanhi ng pagkasira ng nutrients sa loob. 


10. Pag-iwas sa mga walang pangalan o cheaper brands



Image credit: @ohmiahbad

Bukod sa mas mura, talagang may karunungan sa pagpili ng cheaper brand para sa mga pangunahing grocery item gaya ng gatas, cheese, at butter.

Kadalasan, ang mga no-brand items na ito ay kasing-lasa at may nutrisyon din gaya ng mga branded na produkto. Kahit ang mga blind taste tests na ginawa na ng mga eksperto at napatunayan ito. Kaya ang myth na ang mga produkto na walang pangalan ay pangit ang lasa ay hindi totoo.  


Supermarket mistakes habang namimili


Tandaan ang mga pagkakamaling ito na madalas nating ginagawa nang hindi natin alam sa pamimili sa grocery. Para sa susunod na grocery run mo, maiiwasan mo ang pagsasayang, makakatipid ka sa pera sa pangmatagalan, at masusulit mo ang iyong pamimili. 

Basahin din ang mga sumusunod:


Cover image credit: @ohmiahbad & @mrsneighns

The English version of the article was originally published on The Smart Local Singapore and written by Alvy Rose.


Nag-e-enjoy sa The Smart Local Philippines? Sundan kami sa Facebook, Twitter, at Instagram para sa mas marami pang storya gaya nito. 

Addie Pobre: