Free online courses habang nasa bahay
Online courses
Image credit: Khan Academy Labs (upper left), Andrew Alto de Guzman (lower left)
Ngayong wala pang kasiguraduhan ang pagbubukas ng klase sa Agosto dahil sa banta ng COVID-19, marami sa ating mga estudyante ang nangangapa kung paano gagawing produktibo ang mga susunod na buwan na dapat sana ay igugugol nila sa iskwelahan o unibersidad.
Ngunit mabuti na lamang ay maraming mga libreng courses online na makatutulong sa atin sa pangkalahatan habang nakikibaka sa kawalan ng katiyakan ngayong COVID-19. Mula sa libreng mga kurso ng Harvard at Yale hanggang sa mga kurso ng Google, narito ang 10 na libreng online courses na dapat mo nang samantalahin habang iniinom ang baso mo ng dalgona coffee.
1. Libreng online courses mula sa Ivy League schools gaya ng Harvard at Yale
Image credit: Class Central
Ang mga unibersidad gaya ng Harvard at Yale ang tinatawag na creme de la creme o ‘best of the best’ sa Ingles at ang magkaroon ng lugar dito ay pinapangarap lang ng iilan. Ngunit may tsansa pa rin tayo na makatikim ng isang edukasyong Ivy League sa pamamagitan ng kanilang mga libreng online courses.
Samu’t saring kurso ang inaalok ng Harvard gaya ng persuasive writing at public speaking, arkitektura, at kahit pagluluto.
Tandaan bagaman na ang mga kursong ito ay hindi isang upuan lamang – aabutin ka ng ilang linggo para matapos ang mga kursong ito. Kailangan mo ring lumahok sa mga online videos, quizzes, at takdang aralin. Mukhang nakakapagod ngunit makakakuha ka ng isang sertipiko pagkatapos mong makumpleto ito – iilan lang ba sa atin ang naipagmamalaking meron silang certificate mula sa Oxford, ‘di ba?
Maghanap ng klase dito.
2. Paghusayin pa ang iyong vocational skills kasama ang TESDA
Image credit: TESDA
Marami sa atin ang nawiwili sa mga gawaing bokasyonal magmula ng isa-ilalim tayo sa quarantine. Para mas maging mahusay pa tayo rito, may libreng online short courses ang TESDA.
Marami silang inaalok na kurso gaya ng eLearning for Agriculture and Fisheries, massage therapy, at job interview training skills training. Bukod pa sa mga ito, meron din silang mga samu’t saring kurso sa COVID-19 management.
Hindi ka lamang nakaupo at kumukuha ng impormasyon – kailangan mo ring maipasa ang kanilang mga quiz. Kapag nakumpleto mo na ang mga kurso, bibigyan ka ng certificate of completion. Kung gusto mo naman ng national certification, kailangan mong pumunta at kumuha ng assessment tests sa kanilang technical schools kapag mas bumuti na ang sitwasyon natin sa paglaban sa COVID-19.
Maghanap ng klase dito.
3. Alamin ang sikreto sa likod ng animation ng Pixar mula sa Pixar in a Box
Image credit: Khan Academy
Ang mga pelikula gaya ng Ratatouille, Toy Story, at Monsters Inc. ay kampeon ng animation. Ngunit madalas nating binabalewala gaano kahirap ang gumawa ng mga pelikulang ito. Kung gusto mong malaman paano maging Pixar artist, subukan mo ang Pixar in a Box.
Mayroon silang komprehensibong kurso sa digital animation kung saan tuturuan ka nilang gumawa ng buhok ng isang prinsesa, detalye ng balat ng isang dinosaur, at kung paano gumagana ang virtual cameras. Ang mga videos at exercises ay madaling sundan, kahit para sa isang layman, at tinuturo ng mga professional artists mismo ng Pixar.
Alamin ang sikreto ng Pixar dito.
4. Matuto ng basics ng coding at maging certified ng 365 Data Science
Sa panahon ngayon kung saan ang lahat ay online na, importante na mapalawak natin ang kaalaman natin sa coding para mas maging employable tayo sa hinaharap.
Buti na lang ay mga website gaya ng 365 Data Science na may mga libreng kurso. Mayroon silang komprehensibong kurso sa data science fundamentals, machine and deep learning, paggamit ng SQL, Python at R, at marami pang iba. At tsaka, maganda ang 365 Data Science para sa mga beginners dahil nagsisimula ang kanilang kurso mula sa basics ng coding.
Kung hindi ka pa kumbinsido, ang iba sa mga nakatapos ng kanilang kurso ay nakakuha ng trabaho sa mga kumpanya gaya ng Paypal, Citibank, Tesla and Walmart.
Mag sign-up sa kanilang libreng kurso dito.
5. Mag-aral ng bagong artistic hobby o kasanayan kasama ang Skillshare – free trial
Taliwas sa popular na paniniwala, ang pagiging mahusay sa arts ay may higit na kinalaman sa pagsasanay kaysa sa talento. Ngunit medyo nakaka-intimidate ang pagsisimula lalo na kung walang anumang gabay.
Buti na lamang, ang Skillshare ay may artistic courses na mabibigyan ka ng motibasyon para mamili ng bagong libangan o para i-upgrade ang iyong kasalukuyang kakayahan. Ang mga kurso ay itinuturo sa mga videos at nakahiwalay ayon sa kategorya gaya ng animation, communication, writing, photography, at kahit business.
Image adapted from: Skillshare
Ang panimulang video ay libre at kailangan mong mag-sign up para makita ang iba pang mga kurso. Ngunit, wag kang mag-alala kung ikaw ay dapat magbayad dahil puwede mong gamitin ang 2-month free trial na tamang tama ngayong panahon ng social distancing.
Tignan ang mga kurso dito.
6. Mag-aral ng marketing sa Google Digital Garage
Ang pagkakaroon ng “Google” sa iyong resume ay paniguradong isang bragging right. At kung pinapangarap mong makapagtrabaho sa opisina ng Google sa Taguig, maaari ka munang kumuha ng digital marketing certification sa pamamagitan ng Google Digital Garage.
Ang online e-academy na ito ay dumadaan sa ABCs ng digital marketing – mula sa paano magtayo ng online shop hanggang sa web analytics – sa 26 na nakabalangkas na paksa.
Image credit: Oelkien
Ang bawat paksa ay mayroong videos na bibigyan ka ng buod ng paksa at maiksing quizzes na susubukang sukatin ang mga natutunan mo.
Entitled ka sa isang personalized, downloadable certificate pag nakumpleto mo ang kanilang kurso. Sa panahong ang mundo natin ay nakababad sa Internet araw gabi, ang digital expertise na makukuha mo dito ay magagamit mo sa hinaharap.
7. Microsoft Office courses
Maaaring nakalagay sa iyong resume na ikaw ay “proficient in Microsoft Office.” Ngunit ang holy trinity ng Office apps – Word, Powerpoint, at Excel – ay maraming hidden functions na maaaring hindi mo pa alam.
Image credit: Microsoft
Buti na lang, nasa hanay mo ang Microsoft. Ang Microsoft Office courses ay tuturuan ka ng lahat ng dapat mong malaman sa bawat app.
Panoorin ang kanilang video lessons na bibigyan ka ng step-by-step na tutorial sa lahat ng posibleng functions, gaya ng Word doc themes at Excel charts. Pag nakuha mo na ang basics, magpatuloy sa medyo advance na functions gaya ng Pivot Tables na tutulungan kang ayusin ang iyong data.
8. Maikling kurso tungkol sa advertising mula sa Facebook Blueprint
Image credit: Facebook Blueprint
Ang Facebook ang pinakaginagamit natin na social media kung kaya’t kapag naisipan mong mag-business sa hinaharap, mahala na malaman kung paano ito gamitin para mapalago ang iyong binebenta. Mayroon silang tinatawag na Blueprint courses para sa Facebook at Instagram advertising.
Image credit: Facebook Blueprint
Ang mga kurso na ito ay maraming paksa, kaya mamili ka kung aaralin mo ang mga techniques ng lead generation o dumiretso na sa pag-aaral ng eklusibong features ng Facebook gaya ng Messenger at Facebook Live.
Narito naman ang magandang balita para sa mga millennial na may attention span ng gold fish – lahat ng kurso ay nakahati sa maiiksing paksa kaya asahan mo na walang mga mabibigat na teksto habang ikaw ay nag-aaral.
Alam mo rin na legit ang Facebook Blueprint kapag ikaw ay nabigyan na ng downloadable certificate pagkatapos ng bawat kurso.
Image credit: Slideshare
9. Pag-aralan paano maging blogger sa Codecademy Make a Website
Lesson 1: palitan ang header text. Image credit: Codecademy Make A Website
Kung ikaw ay nagbabalak maging isang blogger, hamunin mo ang iyong basic HTML skills kasama ang Codecademy’s Make a Website course. Ang interaktibong kurso na ito ay tuturuan ka paano gumawa ng website gamit ang HTML at CSS.
Ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasanay ang sagot dito. Kailangan mong magbasa ng maiksing aral, pagkatapos, kumpletuhin mo ang mga exercises sa bawat paksa bago ka makalipat sa susunod.
Sa katapusan ng kurso, mayroon kang magagawang 4 na simpleng websites na hindi mo aakalaing magagawa mo.
10. Pangalagaan ang mental health mo sa kursong The Science of Well-Being sa Coursera
Marami sa atin ang nakararamdam ng samu’t saring emosyon ng anxiety, depression, at pagkalungkot sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa gitna ng pandemya. Kaya ito na siguro ang tamang panahon upang kumpletuhin mo ang pinaka popular na kurso sa Yale University ngayon, ang The Science of Well-Being ni Professor Laurie Santos na libre mong ma-aaral sa Coursera.
Image credit: Coursera
Ang kursong ito ay tinatalakay ang mga maling ideya tungkol sa kaligayahan, mga bagay na tunay na makapagpapasaya sa atin, at marami pang iba. Kaakibat ng mga paksang ito ang mga video lectures, optional readings, at “rewirement” activities na gagawin mo araw-araw para mas magkaroon ng “happier habits.” Sa pangkalahatan, kaya mong matapos ang kursong ito sa loob ng 19 oras.
Tignan ang kurso sa Coursera.
Free online courses you can take during quarantine
Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga estudyante ang nangagamba sa magiging set-up ng kanilang klase gawa ng COVID-19. Ngunit maraming mga libreng online courses ang nagkalat sa Internet na maaaring samantalahin ng ating mga estudyante sa susunod na mga linggo, buwan bilang bahagi ng kanilang paraan upang kayanin ang krisis sa ngayon.
Para pagkatapos din ng kaguluhang ito, lalabas ka mula sa iyong cocoon na mas mahusay at mas malakas.
Tignan din ang mga sumusunod:
The English version of this article was originally published on TheSmartLocal.com and written by Alvy Rose.