Gardening tips para sa mga gardeners
Gardening tips para hindi malanta at dumilaw ang halaman
Image credit: Shopee, Urban Worm Company
Nauuso na talaga ang paghahalaman. Marami sa atin ay ginagawa itong bahagi ng self-care routine dahil iba nga naman ang nagagawa ng halaman sa ating overall sense of well-being. Ngayong mas marami naman tayong oras sa bahay gawa ng pandemya, ang ilan sa atin ay nagsisimula na ring madiskubre ang kagandahan ng paghahalaman.
Ngunit, para sa mga newbie, alamin na hindi nagtatapos ang pag-aalaga ng halaman sa sikat ng araw at tubig. Marami kang dapat isaalang-alang upang mapanatiling makulay ang iyong mini urban jungle. Kaya narito ang 10 gardening tips na dapat mong tandaan para maging isang responsableng gardener.
1. Bigyan ng sapat na sikat ng araw ang indoor at outdoor plants mo
Kapag walang sapat na sikat ng araw (L), ang mga halaman ay mag-uunat para maghanap ng higit pa. Ang mga malulusog na halaman (R) naman ay mayroong siksik at malagong hanay ng mga dahon.
Image credit: University of Wisconsin Department of Botany
Iniisip ng maraming plant owners na ang direktang sikat ng araw ay kailangan. Pero, ang labis at masyadong kulang ay parehong nakakasama – may sapat na sikat ng araw para sa indoor at outdoor na halaman. Alamin mo kung anong uri ng halaman ang inaalagaan mo para mapanalo mo na ang kalahati ng laban sa pagpapanatili ng buhay ng iyong berdeng kaibigan.
Para malaman mo kung hindi sapat ang nakukuhang araw ng mga halaman mo, tignan kung meron silang mahabang tangkay at naninilaw na mga pababang dahon. Sa kabaligtaran, ang labis na sikat ng araw naman ay nagdudulot ng tuyo at dilaw na mga bleached spot sa mga dahon.
Pro tip: Siguraduhin na ang mga indoor na halaman gaya ng begonia, aloe vera, at ferns ay nasa 1m ng iyong bintana para makatanggap sila ng kalat o ‘diffused’ na sikat ng araw. Sa kabilang banda, ang nakakain na herbs at gulay, pati na rin ang cacti at succulents ay dapat inilalagay malapit sa bintana hangga’t maaari, at tumatanggap ng 4-6 oras na direktang sikat ng araw araw-araw.
2. Gumamit ng tamang klase ng soil o lupa
Ang mga potted plants ay kailangan ng potting mixes na soil-free substrates.
Image credit: @thetiefenator
Bago mo abutin ang pala para kumuha ng lupa mula sa sidewalk para palakihin ang iyong halaman, alamin na ang regular na outdoor soil ay hindi nakakahawak ng tamang dami ng tubig at nutrisyon na kailangan ng house plants mo.
Kahit na iniisip mong bumili ng isang pack ng lupa mula sa isang nursery, hindi pa tapos ang iyong takdang aralin. Hindi lahat ng halaman ay nabubuhay sa lupa lamang. Ang mabisang solusyon ay ang pagbili ng isang premade potting mix – ito ay isang soil-like substrate na kadalasan nga ay hindi pa naglalaman ng lupa.
Ang mga mahilig mag-DIY ay maaaring mag-assemble ng kanilang simpleng 2-ingredient potting mix na may peat moss at perlite na nakuha mula sa isang garden supply store. Patungan ang potting mix ng compost pagkatapos.
Pro tip: Kung marami ka pang natirang tuyo at lumang potting mix mula sa mga namatay mong halaman, madali mo itong mabubuhay. Hatiin ito gamit ang tinidor, i-sterilize ito gamit ang kumukulong tubig, at maglagay ng compost.
3. Huwag madalas na gumamit ng fertilizer o pataba
Image credit: MultPrime
Kung binubudburan mo ng fertlizer ang iyong mga halaman, ito ay talagang kalabisan ng isang magandang bagay o ‘too much of a good thing.’ Ang madalas na paglalagay ng fertilizer ay maaaring magpalabis ng pagtaas ng acidity ng lupa, maka-akit ng peste, at maging sanhi pa ng sakit. Bilang isang pangkalahatang gabay, sundin ang mga sumusunod:
Organic fertiliser (compost): Isang beses kada linggo
Chemical fertiliser: Isang beses kada dalawang linggo
Ang simple at epektibong mga compound sa isang kemikal na fertilizer ay mabilis na mapapalakas ang nutrisyon ng iyong house plants. Pero kung ikaw ay nag-aalangan sa pagbabad ng gulay mo sa kemikal o nagpaplano na maghalaman sa pangmatagalan, organic fertilizers ang pinakamabisa mong kaibigan.
4. Gumamit ng compost
Image credit: Urban Worm Company
Ang traditional na organic fertilizer ay may mabahong pataba galing sa mga hayop bilang pangunahing sangkap, na hindi maganda para sa loob ng ating bahay. Para sa ating mga urbanites, ang paggamit ng compost ang pinakamagandang solusyon.
Habang maaari kang makabili ng ready-made organic compost mula sa mga nurseries, ang mga mahilig magluto sa atin at nagaalaga rin ng halaman ay maaaring makatipid ng pera sa pagkokolekta ng pagkain at packaging waste na dapat sana ay itatapon na. Haluin sila sa isang maliit na timba para makagawa ng mayaman sa nutrisyon na pagkain para sa mga halaman.
At ang pinakamahalaga, ang composting ay isang praktikal na hakbang tungo sa isang #zerowaste lifestyle, dahil binibigyan mo ng pangalawang pagkakataon ang mga organic waste. Tignan mong lumaki ang iyong mga seedlings noong nakaraang linggo mula sa dyaryo at vegetable off-cuts!
5. Gumamit ng lalagyan na may marka ng recycling symbols
Image credit: Gallatin
Bukod sa pag-compost, ang muling paggamit ng mga plastic na lalagyan para sa mga halaman ay isang paraan to go green while growing green. Siguraduhin lamang na ang mga lalagyan mo ay hindi nakakalason o non-toxic, at may marka ng recycling symbols.
Ang pagpili sa mga spongy, earthenware pots gaya ng mga gawa sa terracotta ay nagbibigay daan din para maabot ng hangin ang lupa at root zone, na makatutulong upang mapigilan ang pagkabulok ng ugat ng halaman. Kung pipili ng pot, suguraduhin na ito ay mas malawak ng 5CM sa dyametro kesa sa halaman mo para hindi nito mapigilan ang paglaki ng halaman.
6. Huwag diligan ang mga dahon ng indoor plants
Ang pagdidilig ng tubig sa mga dahon ng halaman ay isa sa pinaka-karaniwang gardening mistakes na may seryosong kahihinatnan.
Image credit: Nika_Akin
Habang mukhang photogenic ito, ang pagdilig sa dahon ng iyong mga indoor plants ay pwedeng magdulot ng fungal growth at iba pang mga impeksyon. Habang ang ibang mga klase ng air plants at ferns ay nabubuhay sa mabasa-basang kapaligiran at pwedeng diligan gamit ang spray, karamihan sa mga halaman ay pinakamabisang madidiligan gamit ang isang watering can na may mahabang spout para ma-hydrate nang tama ang mga ugat.
Tinatago sa loob, ang moist ng mga dahon ay hindi mage-evaporate nang kasing-bilis ng halamang nakatatanggap ng direktang sikat ng araw sa labas. Pinakamainam na panatilihin ang aesthetic ng water droplets sa dahon kung saan sila nabibilang – sa computer wallpapers.
7. Linisin ang halaman
Image credit: wikiHow
Kagaya ng kung paano mo linisin ang iyong mga pores sa paghuhugas mo ng mukha araw-araw, ang paglilinis ng mga halaman ay isang mahalagang hakbang na nakakalimutan kahit ng mga experienced gardeners. Ang pagpunas sa ibabaw at ilalim ng kada dahon gamit ang mamasa-masa at malinis na pamunas ay masisiguradong nakakahinga at nagpo-produce ng evaporation ang iyong halaman.
Ang paglilinis din ng halaman ay makatutulong upang maiwasan ang fungal growth at peste. Bilang karagdagang gabay, hugasan ang pamunas mo nang maigi sa pagitan ng paglilinis mo ng halaman para maiwasan ang pagkalat ng kahit anong sakit.
8. Mag-dilig nang sapat
Para maiwasan ang sobrang pagdidilig ng halaman, maaari mong suriin ang moist level ng lupa gamit ang iyong daliri.
Image credit: @gardenstreetgarden
Kinakailangan ng mga lahat ng buhay na bagay ang tubig upang mabuhay. Ngunit para sa mga halaman, ang sobrang pagdidilig ay may kaakibat na tunay na panganib na maaaring humantong sa “pagkalunod” o pagkabulok ng ugat.
Kung ang dahon ay kulay brown o dilaw, malambot, at mukhang nanghihina, maaaring senyales yan ng overwatering. Sa madaling salita, ang ugat ng mga halaman ay kailangan ng hangin para mabuhay, at ang pagbabad sa lupa ng tubig ay mapipigilan ito.
Kahit na ang schedule sa pagdidilig ng kada halaman ay nakadepende sa uri nito, yugto ng paglaki, at sukat ng lalagyan, may halaga pa rin ang pag-research ng kinakailangang tubig ng halaman mo para maiwasan ang biglaang pagkamatay nito.
Bilang pangkalahatang patakaran, magdilig nang madalang hangga’t maaari – mula sa dalawang beses sa isang linggo para sa malakihang halaman at araw-araw para sa mga maliliit. Ang pagdidilig sa gabi ay nakakapagpabawas din ng evaporation, hinahayaan ang lupa at ugat na sumipsip ng moist nang mas mahusay.
9. Mamuhunan sa isang pH meter
Gumamit ng soil testers para masuri ang kondisyon ng iyong halaman
Image credit: Shopee
Bukod sa sikat ng araw, tubig, at fertilizer, ang mga halaman ay kailangan ding mabuhay sa lupang may pinakamainam na pH level – basil at sage ay dapat nasa 5.5-6.5, lettuce at broccoli ay dapat nasa 6.0-7.0.Nagkakahalaga lamang nang humigit kumulang dalawang daang piso (P200), ang pH meter ay mahalagang gamit para makagawa ng perpektong kondisyon para sa mga halaman.
Sa usapang teknikal, ang maliit na pagbabago sa pH ay hindi direktang nakakaapekto sa mga halaman. Ngunit ang acidity o alkalinity ay makatutulong o makahahadlang sa abilidad ng halaman na sumipsip ng mahalagang nutrisyon. Para matulungan kang i-adjust ang pH level ng iyong lupa sa tamang bilang, narito ang mga DIY na solusyon:
Para mabawasan ang acidity: Mag-spray sa lupa ng mixture ng 1 tablespoon ng baking soda at 2 litro ng tubig. Maaari mo ring bawasan ang paggamit ng acidic na fertilizer – ang pagdidilig gamit ang tubig na may kaunting alkaline local tap water ay maaaring mai-tama ang pH ng lupa.
Para mapataas ang acidity: Magdagdag ng gamit na coffee grounds sa lalagyan ng halaman o 1 tablespoon ng vinegar na hinalo sa 2 litro ng tubig.
10. I-trim ang mga halaman
Ang pagti-trim sa mga halaman ay makapagbibigay daan sa makakapal at malulusog na dahon.
Image credit: @darlactools
Para sa mga newbie, ang pagti-trim sa halaman ay mukhang kabaligtaran ng pagpapalaki ng halaman. Ngunit, ang pagtanggal sa mga nalalantang dahon at mga pakalat-kalat na sanga ay makatutulong upang makatipid ang halaman sa nutrisyon, hinahayaan ito na ituon ang pansin nito sa pagpapalago ng pinakamagagandang dahon, prutas, at bulaklak.
Para makapagpatubo ng malagong dahon at malusog na prutas, i-trim ang halaman nang may 45-degree na anggulo gamit ang malinis, matalas na pares ng gunting. Maiiwasan nito ang pagkasira at pagka-impeksyon ng halaman, at ma-mamaximize ang surface area para sa pagpatuloy na paglago ng halaman kung saan ito na-prune.
Pro-tip: Bukod sa pagco-compost ng trimmings galing sa iyong halaman, maaari mo ring paramihin ang mga dahon at tangkay mo para sa isang bagong halaman, kaysa itapon mo sila.
Gardening tips upang mapalago ang mga halaman
Ang pag-aalaga ng halaman ay maaaring mukhang mabusisi, ngunit ito naman ay napaka-rewarding na karanasan. Ang pagsunod sa mga gardening tips sa itaas ay mga importanteng maliliit na detalye na dapat mong isaalang-alang bilang gardener para mapanatili mong buhay, masaya, at malusog ang iyong mga berdeng kaibigan.
Basahin din ang mga sumusunod:
- 9 beginner-level home workout routines
- Easy tricks upang maging komportable mag-work from home
- 10 online course platforms for free
The English version of this article was originally published on TheSmartLocal.com and written by Ian Ling.