Taiwanese na doktor inirerekomenda ang DIY cloth face mask na may air filter


Taiwanese na doktor nagrekomenda ng DIY face maskImage credit: Kuan-Ting Chen

Nagkakaubusan na ng suplay ng face masks sa buong mundo at sa bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19, kaya naman nakaisip ng paraan ang isang doktor mula sa Taiwan kung paano tayo makakapag-adjust sa sitwasyon.

Nagrekomenda siya ng DIY na solusyon. 

Si Dr. Kuan-Ting Chen, isang Taiwanese anaesthesiologist, ay nagturo sa kanyang Facebook account kung paano tayo makakagawa ng DIY cloth face mask na may air filter.

Hindi kagaya ng pangkaraniwang surgical masks, ang DIY mask na ito kasi ay puwedeng mahugasan at gamitin nang ilang beses.

Dr. Kuan-Ting Chen
Image credit: Kuan-Ting Chen

Narito ang mga hakbang para makagawa ng iyong sariling cloth face mask. 


Bahagi ng pangkaraniwang surgical mask


Bilang pagkukumpara,  ang isang pangkaraniwang surgical mask ay gawa sa “melt-blown, non-woven fabric.” Mayroon itong tatlong parte na binubuo ng mga sumusunod:

  • Waterproof non-woven layer (front)
  • Microfibre melt-blown non-woven fabric (middle)
  • Ordinaryong non-woven fabric (back)

Nakagawa si Dr. Chen ng cloth face mask sa pagdaragdag ng bukana sa likod ng mask upang may mapaglagyan ng filter – o ng microfibre melt-blown non-woven fabric – sa gitna. 

DIY face mask
Image credit: Kuan-Ting Chen


DIY face mask


Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Dr. Chen ang apat na hakbang para makagawa ng cloth face mask.

  1. Maghanap ng malinis na tela.
  2. Maghanap ng surgical mask para sa sukat ng iyong DIY mask. 
  3. Tahiin ang face mask o maghanap ng marunong magtahi.
  4. Ilagay ang non-woven cloth bilang air filter.

Gumamit siya ng asul na tela na may sukat na 30 x 105 sentimetro. 

Tahiin ang iyong materyales nang humigit kumulang na tatlumpung minuto – pagkatapos, mayroon ka nang cloth face mask. 

DIY face mask
Image credit: Kuan-Ting Chen

Ang secret weapon ng mask na ito ay ang pang-gitnang layer. Inilagay niya ang isang item na puwedeng gumanap bilang filter o yung tinatawag na “microfibre melt-blown non-woven fabric.”

Inilagay ng doctor ang “non-woven cloth” sa bukana ng mask. Sa halimbawang ito, naglagay siya ng mga basang tissue na pinatuyo, pero inirerekomenda din ang paggamit ng toilet paper. 

DIY face mask
Image credit: Kuan-Ting Chen

Maaari ring gamitin bilang filter ang mga “non-woven cloth” na nahahanap sa mga bahasan, diaper, gasa, basang tissue, tampons. 

Ngunit, tandaan na palitan ito palagian ng bagong “non-woven cloth” na hindi pa nagagamit. Huwag magtipid ng pera para sa mga air filters!


Bakit gumagamit ng cloth face masks?


Karamihan ng mga face mask ay gawa sa China para magbawas ng gastos. Samakatuwid, ang pagkalat ng COVID-19 ay nakapagpahina ng suplay sa mga tindahan. 

Ipinaliwanag din ni Dr. Chen na ang paggamit ng “‘cloth face masks” ay hindi kakaiba para sa mga beterano sa larangan ng medisina. Nalaman niya na ang mga ospital sa hangganan ng Thailand at Myanmar ay ginagamit ito para mabawasan ang kanilang mga basura. At tsaka, ito rin ay environment-friendly.

Dr. Kuan-Ting Chen
Image credit: Kuan-Ting Chen


Huwag kalimutan ang paghugas ng kamay


Tayo ay nahuhumaling sa paghahanap ng epektibong mask para protektahan ang ating sarili at pamilya. Pero, nag-abiso ang doktor na mas mahalaga pa rin ang paghuhugas ng kamay kaysa pagsusuot ng masks.

Paghugas ng kamay
Image credit: @freshstartmarketing

Nakukuha ang virus mula sa mga nakontaminang bagay at paghawak ng mukha nang hindi naghuhugas ng kamay. Kaya dapat ay panatilihin pa rin ang pag-obserba ng wastong hygiene.


N95 mask pa rin ang inirerekomenda para sa mga medical frontliners


Tandaan na ang mga cloth face mask ay hindi tamang kapalit para sa surgical masks o N95 masks ng mga medical frontliners na nagtatrabaho sa out-patient, ICU o operation rooms. 

Sila ay dapat gumamit ng surgical masks o N95 masks dahil sila ay malapit na nakikipagugnayan sa likido ng mga pasyente. 

N95 mask
Image credit: Banej/Wikimedia Commons


Mag-ingat


Sa patuloy na pag kaunti ng suplay ng face masks sa mga tindahan, ang mga DIY cloth face mask ay maaaring maging alternatibong proteskyon laban sa virus.

Ngunit habang nagsusuot ng mask, huwag kalimutan ang palagiang paghuhugas ng kamay, iwasan ang mataong lugar, at linisin ang mga espasyo na madalas hawakan. 

Basahin din ang mga sumusunod:


The English version of this article was originally published on MustShareNews.com and written by Monique Danao.