9 Beginner-Level Home Workout Routines Na Kayang Gawin Sa Bahay – Para Sa Belly Fat, Abs, At Arms

Madadaling home workout routine



Home workout routines

Dahil sa COVID-19 pandemic, kinailangan ng marami na mag-adjust sa ipinatong na work from home arrangement ng mga kompanya. At kahit na may mga magandang naidulot ito – kagaya ng isang extrang oras ng tulog o pagtratrabaho ng nakapambahay – dagdag problema ito para sa marami. Maliban sa walang choice kundi manatili sa bahay araw-araw, hindi na rin natin magawa ang ibang gawain na naging bahagi ng ating mga daily routine – kabilang na rito ang page-ehersisyo at pagpupunta sa gym.

Para sa mga na-mimiss na ang pakiramdam ng nag-wowork out, heto ang 9 na madadaling home workout routine para manatili tayong fit at healthy. Walang equipment na kailangan para sa mga routine na ito, kaya kayang-kaya itong gawin sa bahay.


1. Pampa-tone ng braso – 10-min arms


Mukha mang sapat na workout na ang pagt-type sa laptop ng magdamag, hindi ito nakabubuti para sa mata o para sa mga braso.

Video credit: Chloe Ting

Ang pokus ng 10-minute arm workout tutorial na ito na gawa ni Chloe Ting ay upang lumusog at tumibay ang mga braso. May 40 seconds na pagitan ang mga exercise dito, kabilang na ang pulses, wall push-ups, at arm squeezes.

Dahil challenging ang routine na ito, ‘wag kalimutang iunat ang mga braso ng mabuti. Para maibsan ang strain habang nag-woworkout, i-link ang mga kamay sa likod at iunat ito pataas.

Pro-tip: Ipatugtog ang paboritong workout playlist para good vibes sinusunod ang routine.
Mga target: braso, likod, dibdib


2. Para mawala ang food baby – 10-min lower abs


Itaas ang kamay kung nagkafood-baby ka dahil sa ECQ! Hindi natin masisisi ang ating mga sarili – mahirap manatili sa bahay nang napapalibutan ng mga pagkain. Kaya kapag lumalamon, mabuting ipares dito ang lower ab workout na nakapokus sa bahagi ng tiyan kung saan tumatambay ang food baby.

 

Video credit: Chloe Ting

Karamihan sa mga ehersisyo dito ay isinisigawa sa sahig, kaya kung meron, maglatag ng yoga mat, o maglagay ng nakatuping tela sa may tailbone para hindi ito sumakit.

Mga target: lower abs, tagiliran, hita


3. Para magka-abs – 10-min 6-pack abs


Kung isa sa mga new year’s resolution niyo ang magkaroon ng abs, pero sa mga nakaraang buwan nagwagi ang keb-ab at ab-dobo, hindi pa huli ang lahat. Itong proven-and-tested 10-minute ab workout ng XHIT ang makakatulong sa’yo.

Video credit: XHIT Daily
Ang routine na ito ay binubuo ng dalawang set ng 10 na magkakaibang workout, nagtatagal ng 30 seconds kada isa. Inirekomendang gawin ito araw-araw, 14 na araw diretso. Kasama ng clean at healthy na diet, paniguradong matutupad ang new year, new abs na resolution mo.

Pro-tip: Kapag kabisado mo na ang routine, hindi mo na kailangang tumingin-tingin sa screen, nang maibsan ang pag-inat ng iyong leeg.
Mga target: upper abs, lower abs, tagiliran


4. Para sa sexy back – 10-min back workout


Video credit: Holly Dolke

Mula sa mga bantog na salita ni Justin Timberlake, “I’m bringing sexy back”. Para makumpleto ang upper body workout, katapos ng arm workout sa #1, gawin itong 10-minute back workout ni Holly Dolke. Kung maghapon kayong nakayuko dahil sa work from home, makakatulong din ito sa pag-aayos sa posture niyo.

Mga target: upper and lower back, braso


5. Para sa mabilis na pagbawas ng taba – 6-mins abs and HIIT


Video credit: Bowflex

Para sa mga mahilig mag-cram, alam nating kapag mas matagal ang isang gawain, mas mahirap mag-commit dito. Kaya dahil sa 6-minute ab and HIIT workout na ito, wala na tayong dahilan para hindi mag-ehersisyo.

Mainam itong routine kung naghahanap ka ng mabilis at madali na workout na puwede mong gawin araw-araw. Dahil maiksi lang ito, maaari mo siyang isingit sa anumang parte ng araw mo. 

Pro-tip: Maaari din itong warm-up bago gawin ang ibang workout sa listang ito.
Mga target: abs, braso, hita


6. Para sa peach butt – 5-min booty workout


Video credit: Bailey Brown

Nakahiga, but make it productive. Nakaposisyon ka mang nakahiga katulad kung matutulog, may pakinabang ang booty workout tutorial na ito ni Bailey Brown. 5 minutes lang ang workout, pero panirugadong mararamdaman mo ang gradwal na pagbuo ng inaasam mong peach butt.

Mga target: glutes, inner thighs


7. Pampa-tone ng hita – 3-min Ed Sheeran leg workout


Video credit: Pamela Reif

Para sa mga araw na sobrang busy at kapos sa oras, sakto ‘tong 3-minute leg workout. Sinasabayan ng workout ang kantang South of the Border ni Ed Sheeran, kaya malibang sa pag-eehersisyo, makakapag-soundtrip ka na rin.

Mga target: hita, cardio


8. Para sa legs for days – 15-min thigh burner


Video credit: Emi Wong

Ika nga ng mga gym rat, “Never skip leg day!” Nakakasigurado itong 15-minute thigh workout ni Emi Wong na may progreso din ang lower body kasama ang mga upper body workout na nauna. Ang mahabang routine ay punong-puno ng iba’t ibang mga ehersisyo para sa pag-totone ng mga hita’t binti.


9. Para sa buong katawan – 15-min full body workout


Mas matagal man ‘tong 15-minute routine ni Natacha Ocèane kaysa sa mga naunang routine, saklaw naman nito ang buong katawan. Hinahasa ng masinsinang routine na ito ang iba’t ibang parte ng katawan.

Video credit: Natacha Oceane

Madali mang gayahin ang mga workout sa routine na ito, nakakapagod din ito. Kaya kung hindi mo ito matapos on the first try, ‘wag pilitin ang sarili at subukan mo nalang ulit sa kinabukasan.

Target: buong katawan


Mga workout routine na puwede sa bahay


Maliban sa pag-aachieve sa fitspo bod na inaasam mo, nakabubuti rin ang pag-woworkout para sa immune system. Mahalang manatiling malusog sa mga oras na ito, kaya habang nasa bahay, ‘wag kalimutang kumain ng mga masusustansyang pagkain, alagaan ang sarili, at magehersisyo.

Iba pang basahin:


The English version of this article was originally published on TheSmartLocal.com and written by Kezia Tan.

 

Hazel Lumbre:
Related Post