Common mistakes in the kitchen
Mapa-rookie man o master chef, lahat ay nagsisimula sa pagluluto sa kanilang kusina sa bahay, pinag-aaralan ang mga paraan ng larangan at nakakamit ang titulo bilang “marunong magluto.” Ngayon, dahil sa ang coronavirus ay pinapanatili tayo sa loob ng bahay, mukhang marami na ang nawiwiling hasain pa ang kanilang kasanayan sa kusina. Ngunit kahit nagsisimula ka pa lamang sa pagluluto o sampung taon na rito, may mga common kitchen mistakes pa rin na marami sa atin ay ginagawa.
Mula sa cooking techniques hanggang sa general kitchen knowledge, ang pagwawasto ng mga pagkakamaling ito ay makakatulong upang i-level up ang kaligtasan mo at kasanayan sa pagluluto.
Para sa mas marami pang artikulo mula sa The Smart Local Pilipinas:
- Gardening tips para hindi malanta at dumilaw ang halaman mo
- Soju recipes with creative flavors to level up your quarantine drinking game
- Free online games to play with the jowa over Zoom calls
1. Paghuhugas ng karne at manok
Image credit: @malak.klait98
Mukhang kabaligtaran, dahil hindi ba dapat ang paghuhugas ay dapat na nakatatanggal ng mga bakterya? Subalit, sa katunayan, sa paghuhugas ng karne at manok ay mas nadaragdagan ang posibilidad ng cross-contamination dahil kumakalat ang mga bakterya sa pamamagitan ng pag-splash mo ng tubig sa iyong lababo, damit, at kitchen surfaces.
Kung naluto nang maayos, ang init na ang papatay sa kung anumang mga pathogens ang nasa paligid at pananatilihin ang karne o manok mo na salmonella-free. Kaya maliban na lamang kung may nakikita kang dumi o dugo sa karne, scientifically-approved na puwede mong laktawan ang paghuhugas.
Ngunit, kung galing ang karne mo mula sa isang wet market o sa isang palengke na may hindi kataasang sanitary conditions, maaari mong hugasan ang nakikita mong dumi o dugo. Siguraduhin mo lamang na malayo ang iba pang sangkap o kagamitan sa kusina para maiwasan ang cross-contamination.
2. Paghuhugas ng itlog
Image credit: @marinamustafa
Sa paksa naman ng paghuhugas, ang itlog ay ang kitchen staple na hindi dapat hinuhugasan. Ang mga ovals nito na puno ng protina ay may likas na coating na pumipigil sa mga bakterya gaya ng salmonella mula sa pagpasok sa shell. At sa paghuhugas nito, tinatanggal mo ang patong na pang-depensa mula sa itlog at kinokontamina ang loob.
Kung may nakikita kang dumi o droppings na nakadikit sa shell ng itlog, puwede mo silang hugasan ngunit gawin mo lamang ito bago mo sila basagin.
3. Pagprito ng basang gulay sa pan na puno ng mainit na langis
Image credit: Martin Carthae on Flickr
Oo, ang mga gulay ay dapat mong hugasan. Ngunit ang isang madalas na pagkakamali ay ang paglagay ng mga nahugasang gulay sa frying pan kaagad-agad pagkatapos mahugasan ang mga ito. Ang moist ay ginagawang mamasa-masa ang iyong stir-fry kaysa gawin itong masarap at malutong. Bukod pa rito, tanyag naman ang patakaran na hindi naghahalo ang tubig at langis, at hindi mo magugustuhan ang langis na tumalsik kahit saan.
Bago ka magpaka-Gordon Ramsay at maghagis ng karne sa pan, hayaan mo munang matuyo saglit ang mga gulay sa strainer. Mag-invest ka rin sa salad spinner kung gusto mong makatipid sa oras.
Tignan mo rin ang aming artikulo tungkol sa pinakatumatagal na mga gulay para masulit mo ang bawat pagpunta mo sa grocery.
4. Ang pag-defrost sa karne nang sobrang tagal
Sigurado akong natatandaan pa natin ang mga childhood moments natin kung saan sasabihan tayo ng ating mga nanay na “tanggalin ang manok” sa umaga, ngunit makakalimutan natin ito at magpapanic pagbalik niya. Ang pagtanggal ng manok ay hindi dapat nangangahuluhan na iiwanan ito sa counter, dahil ang kahit anong karne na iniiwan sa room temperature nang higit sa 2 oras ay hindi magandang kaugalian sa kusina.
Image credit: @buttermysquash
Sa halip, kung gusto mong i-defrost ang karne mo sa gabi, ilipat mo ito mula sa freezer sa refrigerator sa umaga. Kung nakapagdesisyon ka naman na gusto mong magluto sa huling minuto, ilagay mo ang karne sa isang ziplock bag, ibabad ito sa ilalim ng tubig at dapat itong ma-defrost nang buo sa loob ng isang oras. Kung ang isang oras ay napakatagal hintayin, i-defrost mo na lamang ito sa microwave.
5. Overcrowding the pan
Image credit: @makranda
Ang pan na punong puno ng sangkap – o overloaded – ay hindi nagbubunga ng resulta na hinahanap mo – mapa-karne man, gulay, o kahit baking. May punto na gusto mong lutuin ang isang batch ng manok ng isang lutuan, ngunit sa pagtitipid ng oras ay nawawalan ka rin ng lasa at lutong ng balat.
Ang pagluluto ay naglalabas ng moist mula sa karne at ang overcrowded na pan ay pinipigilan ang moist mula sa pagsingaw, pinapakulo ang iyong karne sa halip na prituhin ito.
Ganun din sa mga gulay, magsisimula silang mag over-sweat at mauuwing babad na babad sa halip. At, magiging hamon ang pagtitiyak na ang lahat ay pantay na naluluto. Bigyan mo ng silid ang iyong pagkain na huminga, ayaw mo silang pagsamahin sa isang masikip at mainit na espasyo alinman.
6. Paggamit ng parehong langis para sa lahat
Cooking oils
Image credit: Alex Juel on Flickr
Ang ating pantry ay karaniwang mayroon lamang isang klase ng langis, at hindi natin lubos na iniisip ang iba’t ibang klase ng langis maliban na lamang kung tayo ay namimili ng isa sa supermarket. Ngunit ang pagkakaiba nila ay lumalagpas sa “ang olive oil ay nakakataba” at “ang vegetable oil ay mukhang mas masustansiya,” sila ay mayroong iba’t ibang layunin.
Ang olive oil, vegetable oil, extra virgin oil, coconut oil at iba pa ay magkakaiba ng “smoke points.” Ibig sabihin, sila ay nagluluto sa iba’t ibang temperatura. Hinid namin maiisa-isa lahat ng uri ng langis, ngunit sa pagitan ng mga pinaka karaniwang uri:
- Ang vegetable oil ay may mataas na smoke point at nirerekomenda para sa deep-frying at pagluluto nang may mataas na temperatura.
- Ang olive oil ay may katamtamang smoke point at nirerekomenda para sa general frying at all-round use.
- Ang extra virgin oil ay may mababang smoke point at maraming flavor, ngunit nasisira ito ng pagluluto na may mataas na temperatura.
7. Paggamit ng parehong cutting board para sa lahat
Image credit: Pixabay
May mataas na peligro ng cross-contamination kung hinihiwa mo ang iyong mga sariwang pipino sa parehong cutting board kung saan mo hiniwa ang iyong hilaw na manok. Ang pangkalahatang rule of thumb ay magkaroon ng hindi bababa sa dalawang cutting board sa kusina, isa para sa hilaw na pagkain at isa para sa luto na o ready-to-eat na mga pagkain gaya ng salad vegetables.
“Pero maaari ko namang hugasan na lang ito at gamitin ulit, hindi ba?” Magugulat ka kung gaano karaming bakterya ang puwedeng magtago sa mga kagamitang pang-kusina gaya ng cutting board.
8. Pagluluto ng malamig na karne pagkatapos kunin mula sa refrigerator
Image credit: @poldiwieland
Ang paghuhugas ng malamig na karne ay puwedeng mag-resulta sa hindi pantay na pagkakaluto – karne na luto sa labas ngunit hindi luto sa loob. Upang malutas ito, hayaan lamang ang karne sa labas ng refrigerator sa loob ng 15-20 minuto.
9. Hindi regular na pagpapatulis ng mga kutsilyo
Image credit: Wikimedia Commons
Sa katunayan, ang mga mapurol na kutsilyo ay mas mapanganib kaysa sa mga matatalim dahil nangangailangan ng mas maraming presyon upang hiwain ang mga pagkain gamit ito, dinadagdagan ang posibilidad ng pahamak.
Image credit: Billy Tran
Ang mga knife sharpening tools ay maaaring mukhang “sosyal” na karagdagan sa kusina, ngunit sila ay talagang pangangailangan. Hindi naman kailangang magarbo, isang simpleng honing rod o kahit ang ilalim ng iyong mug o ceramic bowl ay gumagana bilang pantasa.
Huwag din kalimutan ang wastong pagtatabi ng kutsilyo upang maiwasan ang pagpurol. Subukan mong bigyan sila ng kanilang sariling drawer, o mamuhunan sa isang magnetic knife rack.
10. Hindi paghugas ng sponge at kitchen cloths
Isipin mo na lamang gaano mo na katagal ginagamit ang parehong sponge at kitchen cloths at kung gaano karaming bakterya ang nagtatago sa mga ito. Madaling kalimutan ang mga bagay na ito sa kusina habang ginagawa natin ang ating spring cleaning, dahil sila ang gumagawa ng karamihan sa paglilinis.
Para sa mga sponge, puwede mo silang i-decontaminate sa pamamagitan ng pagpapakulo sa kanila sa loob ng 5 minuto o paglalagay sa kanila sa isang microwave ng 2 minuto. Para sa mga tela sa kusina, hugasan sila gamit ang kamay o labhan sila gamit ang washing machine nang regular. At kung mayroon sa kanila na malapit na sa katapusan ng kanilang lifespan, oras na para bumili ng bago.
Common kitchen mistakes
Kung ikaw ay guilty sa alinman sa mga pagkakamaling ito, hindi pa huli ang lahat upang mapag-aralan at maayos mo ang iyong pagluluto sa hinaharap. Sana, pagkatapos mong gumugol ng maraming oras sa kusina, mas malaman mo kung paano maghanda ng pagkain nang ligtas, magluto nang mas maayos, at maghanda na parang pro.
Magbasa pa ng mga artikulo mula sa TheSmartLocal Pilipinas:
- 10 online course platforms for free
- Easy tricks upang maging komportable mag-work from home
- 9 beginner-level home workout routines
Cover image adapted from: @malak.klait98, @makranda
The English version of the article was originally published on The Smart Local Singapore and written by Billy Tran.