Soju recipes with a twist
Sawa ka na ba sa kaka-whip ng Dalgona coffee?
Kung gusto mong sumubok naman ng bagong ‘trendy’ drink sa bahay mo ngayong nasa gitna na tayo ng taon at quarantine, marami pang creative na trends ang meron sa Internet – gaya ng mga iba’t ibang soju recipes.
Mula sa Yogurt soju hanggang sa Dalgona coffee soju, nag-compile kami ng 9 soju recipes sa baba na kayang-kayang gawin sa bahay dahil super accessible lang ang mga ingredients na kailangan mo. Um-order ka lang online o pumunta sa malapit na supermarket o 7-Eleven, meron ka ng maipagmamalaking soju recipe sa tropa habang nag-iinuman kayo virtually.
1. Yogurt soju
Image credit: @nimida.hawk
Bago tayo magsimula sa mundo ng Korean alcohol concoctions, narito ang isang kombinasyon na dapat mo munang ma-master – ang yogurt at soju. Ang mixture na ito ay paborito ng mga Koreano, mapa-night out sa barkada o kahit nagchichill lang sila sa bahay.
Ingredients:
- Ice
- 2 shots ng soju
- 2 shots ng Korean yogurt o original flavoured Yakult/Vitagen
- Sprite
Steps:
- Ibuhos ang 2 shots ng soju sa isang baso na half-filled ng yelo.
- Magdagdag ng 2 shots ng Korean yogurt sa baso. P’wede rin ang Yakult o Vitagen.
- Punuin ang baso ng nais na dami ng Sprite.
- Haluing mabuti at mag-enjoy sa pag-inom ng Yogurt soju mo.
2. Hwasa’s Mudshake
Bukod sa pagwawagi ng puso ng maraming fans sa buong mundo dahil sa kanilang natatanging estilo sa musika, Mamamoo – isa sa pinakamainit na female K-pop bands ngayon – ay umiingay na rin sa mga variety shows dahil sa kanilang masayang personalidad.
Sa My Little Television ng MBC, ginawa ni Hwasa ang natatanging concoction na tinatawag na Mudshake, na fuss-free at madali lamang gawin. Kailangan mo lang ng 2 sangkap para sa recipe na ito – chocolate milk at soju. Ang tamis ng nauna ay binabalanse ang pait ng huli.
Ingredients:
- Ice
- 200ml chocolate milk
- 2 shots ng soju
- Cocoa powder (Optional)
Steps:
- Ibuhos ang chocolate milk sa isang baso na ¼ puno ng ice.
- Magdagdag ng 2 shots ng soju sa baso at haluing mabuti.
- Magbudbod ng cocoa powder sa taas bilang finishing touch. (Optional)
3. Melona bar soju
Image credit: @k_leilani_p
Lahat tayo ay nakarinig na ng ice cream floats, pero maaaring hindi pa ng ice cream-infused alcohol drinks.
Ang kailangan mo lang gawin para sa recipe na ito ay ihalo ang lahat ng mga sangkap bago mag-pop ng popsicle sa baso mo. Haluin ito nang ilang minuto at voila – isang nakaka-preskong Melona bar soju.
Image credit: @hawaiiyums
Ingredients:
- 1 Melona bar
- 2 shots ng soju
- Sprite
- Lemon slices (optional)
Steps:
- Ibuhos ang 2 shots ng soju sa isang baso na puno ng ice.
- Magdagdag ng nais mong dami ng Sprite.
- I-pop ang Melona sa basa at haluin ito. Makikita mong nagiging ‘milky’ na ang inumin mo.
- Para mas sosyal, magdadag ng slice ng lemon para sa finishing touch. (Optional)
4. Gojimganraeju (coke + soju + beer)
Image credit: @s_ing_soo
Ang Somaek (soju + beer) ay isang popular na kombinasyon ng alcohol para sa mga Koreano, ngunit alam mo ba na may mas exciting na version pa ang mga locals tuwing nasa labas sila kasama ang kanilang mga kaibigan?
Sa halip na pagsamahin lamang ang beer at soju, ang recipe na ito ay nagdaragdag ng Coca-Cola, na ginagawang mas masarap ang halo.
Ingredients:
- Coca-Cola (o Pepsi)
- Soju
- Cass beer (available sa Lazada)
Steps:
- Maglagay ng shot glass sa loob ng baso ng beer. Punuin ang shot glass hanggang sa ½ puno na ito ng Coca-Cola.
- Kumuha ulit ng isa pang shot glass at punuin ito ng soju hanggang ½.
- Kumpletuhin ang recipe na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng beer sa pangunahing baso hanggang sa ma-cover na nito ang mga baso ng soju.
- Ngayon, ang dapat na lang gawin ay inumin ang Gojimganraeju sa isang shot.
Habang iniinom mo ito, ang mapait na lasa mula sa somaek ang una mong malalasahan. Ngunit habang iniinom mo ito, ang tamis ng Coca-Cola ay unti-unti mo ring malalasahan.
5. Energizer soju
Image credit: @iamsyji
Ang Red Bull ay pangalawa sa kape tuwing kailangan mo ng mabilis na energy boost para matulungan kang mairaos ang isang araw. Ngunit hindi na iyan ang kaso dahil sa chart-topping Korean alcohol concoction na ito na gawa sa Red Bull, Gatorade, at soju.
Ingredients:
- Ice
- 2 shots ng soju
- 1 shot ng Red Bull
- 1 shot ng Gatorade
Steps:
- Ibuhos ang 2 shots ng soju sa isang baso na ½ puno ng yelo.
- Magdagdag ng shot ng Red Bull at shot ng Gatorade sa baso. Ang pagkakasunod na ito ay magbibigay sa inumin ng isang nakaka-akit na gradient effect.
- Maglagay ng mint leaves bilang garnish. (Optional)
- Haluing mabuti gamit ang straw bago inumin.
6. Coffee soju
Kung ang kape ay isang mahalagang bahagi ng iyong araw-araw na pamumuhay, we’ve got you covered sa recipe na ito. I-level up ang araw-araw na inumin mo sa pamamagitan ng paghahalo ng soju rito.
Ingredients:
- Ice
- 2 shots ng soju
- 2 shots ng black coffee
- Sugar syrup (optional)
Steps:
- I-brew ang isang tasa ng kape na naaayon sa regular mong pamamaraan.
- Magdagdag ng parehas na dami ng soju at kape sa baso na ½ puno ng ice, at haluing mabuti.
- Sa mga nais na matamis ang kanilang kape, magdagdag lamang ng sugar syrup depende sa nais mong dami. (Optional)
7. Dalgona coffee soju
Akala mo nakita mo na lahat, kasama ang Bandung, Speculoos, at bubble tea Dalgona recipes na kumakalat sa Internet, ngunit maghintay hanggang sa matikman mo ang pinakabagong imbesyon: ang Dalgona coffee soju.
Soju? Oo, narinig mo kami nang tama. Oras na para sumama ang mga alcohol lovers sa Dalgona bandwagon.
Habang ang orihinal na recipe para sa Dalgona Coffee ay nangangailangan lamang na haluin mo ang mixture ng kape hanggang sa maging creamy, ang recipe na ito ay mapapa-foam din ang gatas. Lumilikha ito ng airy layer ng gatas, na masarap isama sa makapal na layer ng coffee cream at malapot na soju.
Ngayon, kung ang iyong mga bisig ay nangangawit na kakahalo ng mixture ng kape, maaari mong i-skip ang step no. 2 at maglagay na lamang ng gusto mong dami ng gatas sa baso mo.
Ingredients:
- Ice
- Milk
- 30ml ng mainit na tubig
- 2 tbsp ng asukal
- 2 tbsp ng instant coffee granules
- 1-2 shots ng soju
Steps:
- Sa isang mixing bowl, i-whisk ang 30ml na mainit na tubig, 2 tbsp ng asukal, at 2 tbsp ng instant coffee granules hanggang sa makabuo ka ng makapal na creamy froth.
- Ibuhos ang gatas sa isang pan sa ibabaw ng kalan na may medium-low heat. Gamit ang electric mixer, i-whip ang hangin sa mixture nang 2-5 minutes hanggang sa makakuha ka ng fluffy consistency. Alisin mula sa init at i-set ang milk froth sa isang tabi.
- Magbuhos ng 1-2 shots ng soju, depende sa nais mong dami, sa isang baso na ¼ na puno ng yelo.
- I-spoon ang nais na dami ng milk froth sa baso at patungan ito ng coffee cream.
- Haluing mabuti bago inumin.
8. Pear soju
Image credit: @may_joon_july
Mahalaga na may daily servings ka rin ng prutas at ang recipe na ito ay siguradong matutulungan ka sa diet mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng fresh na grated pear sa iyong drinking session tuwing gabi.
Ingredients:
- Ice
- 2 shots ng soju
- ¼ cup ng grated Korean pear
- Sparkling water (example: Perrier)
Steps:
- Alisin ang balat ng peras at i-grate ito hanggang sa makakuha ka ng ¼ na tasa ng grated pear.
- Ilagay ang grated pear sa isang baso na may ice.
- Magdagdag ng 2 shots ng soju.
- Kumpletuhin ang recipe sa pamamagitan ng pagpuno sa baso ng sparkling water na ayon sa nais mong dami.
9. Watermelon soju
Image credit: @gleetz
Inirerekomenda ng mga nutritionists na magkaroon ng 2 servings ng prutas araw-araw, kaya kung tapos ka na sa baso mo ng pear soju, lumipat sa isang nakakapreskong baso ng watermelon soju.
Habang ang recipe na ito ay single serving lamang, nagsama din kami ng alternatibong step-by-step method kung gusto mo itong gawing inumin namaibabahagi mo sa iba.
Ingredients:
- Ice
- 2 shots ng soju
- ¼ cup ng grated na pakwan
- Sprite
- Mint leaves (optional)
Steps:
- I-grate ang laman ng pakwan hanggang sa makapuno ka ng ¼ na tasa.
- Ibuhos ang 2 shots ng soju sa isang baso na ½ puno ng yelo.
- Magdagdag ng ¼ na tasa ng grated na pakwan.
- Dagdagan ang natitirang baso ng Sprite na ayon sa gusto mong dami.
- Patungan mo ito ng mint leaves bilang garnish. (Optional)
Image credit: @a_meeezy
Image credit: @gleetz
Steps (for group-sharing):
-
- Hiwain ang pakwan sa dalawang kalahati at itabi ang isa.
- Gumawa ng quarter-inch cut sa ibaba ng pakwan para makatayo ito sa sarili nito.
- Ihiwalay ang laman mula sa shell gamit ang kutsara at ilagay ito sa blender.
- Magbuhos ng soju at parehong dami ng Sprite sa blender, at i-blend lahat ng sangkap hanggang sa makakuha ka ng mixture.
- Punan ang shell ng pakwan ng nais mong dami ng yelo bago mo ibuhos ang laman ng blender dito.
Korean soju mix na kayang gawin sa bahay
Hindi mo kailangang maging trained bartender para magawa ang mga Korean soju recipes sa itaas sa bahay mo. Madali lamang silang ihalo dahil ang mga sangkap ay mabibili mo sa kahit anong supermarket. So go ahead at subukan mo sila – baka magpaalam ka na sa regular na drinking spots mo ng soju pagkatapos mong matikman ang mga ito.
Basahin din ang mga sumusunod:
- 8 Korean convenience store food recipes
- 10 Ice cream shops in Seoul
- 8 quarantine food trends Filipinos are trying
- 12 pandesal flavors
Cover image credit: @k_leilani_p, TheSmartLocal South Korea, and @gleetz
The English version of this article was originally published on TheSmartLocal South Korea and written by Samantha Chew.