Free online games para sa mga mag-jowa o magbabarkada


Free online games
Free online games
Image adapted from: @jenleereeves, Cards Against Humanity

Kahit niluluwagan na ang quarantine restrictions, mahihirapan pa rin tayong makipag-catch up nang pisikal sa ating mga jowa o barkada hangga’t nandito ang COVID-19. 

Kaya kung sawa na kayo sa kaka-Netflix party habang nasa Zoom calls, huwag mag-alala – marami pang hidden, free gems ang meron sa Internet, gaya ng mga free online games na inilista namin sa baba katulad ng Cards Against Humanity, Skribbl.io, at Game Pigeon. Madali lang din ma-access ang mga ito dahil karamihan ay malalaro sa cellphone o laptop browser kahit hindi i-download. 


1. Cards Against Humanity


Cards Against HumanityImage credit: @jenleereeves

Siguradong nalaro mo na kahit isang beses sa buhay mo ang sikat na card game na ito, ngunit alam mo ba na may online version din ang Cards Against Humanity? Wala ng log-in o download na kailangan, buksan mo lang ito sa browser mo. 

Cards Against Humanity labImage credit: Cards Against Humanity

Sa website ng Cards Against Humanity, ang database ay naglalaman ng mga cards na mismong ginagamit mo kapag naglalaro ng boardgame version nito. 

Cards Against HumanityImage credit: Cards Against Humanity

Ang magulong party game na ito ay tungkol sa mga nakakatawa, weird, madilim at kung minsan ay hindi angkop na humor habang inaaliw niyo ang isa’t isa sa mga nakakatawa niyong sagot – larong tamang tama sa panahong ito ng crisis. 

How to play:

May isang magbubukas ng website para gawing game room ng lahat.

Maaari niyong ma-customize ang score limit, player limit, at bilang ng decks na lalaruin niyo. 

  1. Kung ikaw ang “Card Czar,” mamili ng winning card mula sa mga puting cards na nakikita mong pinaka nakakatawa at naaayon sa black card ng round. Ang winning card na iyan ay pinaparangal sa may ari nito. 
  2. Kung hindi, pumili ng puting card sa kamay mo na tingin mong pinaka angkop sa itim na card, ‘yung card na pipiliin din ng “Card Czar.”
  3. Ang manlalaro na may pinakara maraming bilang ng cards ang mananalo. 

No. of players: 2-20 players


2. Codenames Online


codenamesImage credit: Wikimedia Commons

Ang Codename ay isang word-based party game na sinusukat kung gaano ka kahusay at ng iyong mga kaibigan sa pakikipagusap sa isa’t isa. Naparangalan bilang isa sa best board games ng 2016, meron din itong online version na libre at kasing saya ng boardgame. 

codenames online - Free online gamesImage credit: Codenames Online

Ang mga manlalaro ay nahahati sa dalawang koponan – red and blue – at may isang spymaster sa bawat panig. Nagbibigay ang spymaster ng one-word clue at hinuhulaan ng koponan ang mga kaukulang salita hanggang ang lahat ng kanilang mga kulay ay ma-clear. Walang makakatalo sa “Eureka!” moment kapag nahulaan na ng kaibigan mo ang “school,” “temple,” “hotel,” at “crane” mula sa isang salita – “building.”

How to play:

Buksan ang website, gumawa ng game room at bigyan ng invite link ang mga kaibigan mo. 

  1. Hatiin ang mga manlalaro sa 2 koponan at mag-assign ng isang spymaster sa bawat isa. Tanging ang spymaster lang ang nakakakita ng coloured board. 
  2. Ang spymaster ay magbibigay ng one-word clues na sinusundan ng isang numero para hulaan ng koponan kasunod ng kanilang kulay. Halimbawa, ang “music, 2” ay mag-uudyok sa koponan na hulaan ang “flute” at “pitch” mula sa halimbawa sa itaas. 
  3. Kapag nahulaan ng koponan ang neutral black word o ang salita ng kalabang koponan, mawawalan sila ng isang turn. 
  4. Kung ang shaded black tile ay mapipili, ang koponan ay awtomatikong talo. 
  5. Ang unang koponan na makakahula ng lahat ng kanilang salita ang mananalo. 

No. of players: Minimum 4 players


3. Skribbl.io


skribbl.ioImage credit: skribbl.io

Kung nahilig ka sa Pictionary at mga palaro ng Eat Bulaga!, Skribbl.io ang online na alternatibo para sa mga larong ito sa pagguhit. Kahit ikaw ay mala-Picasso sa pagguhit o frustrated artist, kahit sino ay kaya itong laruin. 

How to play: 

Buksan ang website, gumawa ng pribadong silid at bigyan ng invite link ang mga kaibigan mo. P’wede mong ma-customize ang bilang ng rounds, oras sa pag-drawing, at p’wede ka ring magdagdag ng custom words. 

  1. Kung ikaw ang artist, subukang iguhit ang ibinigay na mungkahi. 
  2. Kung hindi, hulaan ang iginuguhit ang artist. 

No. of players: 2-8 players


4. House Party


house partyImage adapted from: App Store

Pagsamahin ang Skype, Zoom, Facetime at party games sa isang app at voila – meron ka ng House Party. Tignan ang mukha ng iyong mga kaibigan pagpasok mo ng “bahay” habang binibigyang alam sila ng app sa tuwing ikaw ay maglolog-in

May mga in-app games gaya ng Heads Up na virtual charades para sa isang energetic acting fun. Meron ding natatanging Chips and Guac, isang word-association game kung saan itutugma mo kung ano sa tingin mo ang #cancelled, sneaky AF o naghahatid ng kagalakan ika nga ni Marie Kondo. Kung hindi mo maaaring pisikal na makakasama ang iyong mga mahal sa buhay, ang face to face interaction ay makatutulong upang bigyan ng tulay ang distanya. 

How to play:

I-download ang app sa App Store o Google Play. Anyayahan ang iyong mga kaibigan at gumawa ng isang silid na magkakasama. 

No. of players: 2-8 players


5. Spyfall


spyfall - Free online gamesImage credit: Spyfall

Dalhin ang iyong best lying face at fake it till you make it sa Spyfall, isang laro kung saan ang spy ay sinusubukang manatiling “nakatago” habang ang ibang manlalaro ay hinuhulaan kung sino ito.  Lahat ay may tungkulin at may alam na isang tiyak na lokasyon, maliban sa spy na kailangang magsinungaling sa mga tanong. 

spyfall - Free online gamesImage adapted from: Spyfall

Ito rin ay perfect companion game para sa Skype of Google Hangout calls para mahuli mo kung sino ang mukhang nagsisinungaling. 

How to play:

Buksan ang website, gumawa ng pribadong silid at bigyan ng invite link ang mga kaibigan. P’wede mong ma-customize ang bilang ng mga manlalaro at bilang ng mga lokasyon. 

  1. Ang bawat manlalaro ay makakapag tanong sa kahit sinong iba pang manlalaro ng kahit anong tanong, halimbawa “Ang lugar na ito ba ay underwater?”
  2. Ang manlalaro ay dapat sagutin ang tanong. Ang mga sagot ay dapat maingat para hindi mahulaan ng spy ang lokasyon, pero klaro rin para patunayan ang kanilang kawalang-malay. 
  3. Kung ikaw ay nabigyan ng notification bilang spy, magpanggap na alam mo kung saan ang lokasyon.
  4. Pagkatapos ng isang round ng katanungan, huhulaan ng lahat kung sino ang spy.
  5. Kung mabubuking ang spy, maaari pa rin siyang manalo sa pamamagitan ng paghula ng tamang lokasyon. 

No. of players: 3-12 players


6. Solo


Solo - free online gameImage credit: Board Game Arena

Gaya ng Cards Against Humanity, siguradong nalaro mo na rin ang Solo minsan kasama ang mga kaibigan mo. P’wede mo rin itong malaro online, salamat sa Board Game Arena. Mukhang simple lang ang larong ito pero marami itong sinusukat – ito ay laro ng pabilisan at utak na kung minsan ay naka-depende rin sa swerte. 

solo - free online game
Image credit: Board Game Arena

How to play:

Buksan ang website. Mag-laro gamit ang Facebook account mo. Imbitahan ang mga kaibigan sa isang game room. 

  1. Ang bawat manlalaro ay bibigyan ng 8 cards. 
  2. Ang unang manlalaro na makakapag lagay ng lahat ng cards niya sa mesa ang mananalo. 

No. of players: 2-10


7. Telegram Werewolf 


telegram werewolf - Free online gamesImage adapted from: Billy Tran

Kung kayo ay madalas na nasa Telegram na ng iyong barkada, ang Telegram Werewolf ay isa sa pinaka sikat na laro sa messaging app, at para sa magandang rason. Batay sa iconic party game, ang mga werewolves ay magtatago sa mga villagers o  taga-baryo at kakain ng isa bawat gabi, habang ginagamit ng mga tagabaryo ang mga espesyal na kakayahan ng kanilang karakter upang ilantad ang mga werewolves. Ito ay maaaring mas madaling laruin sa Telegram kaysa sa totoong buhay dahil ang bot na ang humahawak sa lahat para sa ‘yo. 

May higit sa 40 natatanging mga karakter at tungkulin tulad ng The Harlot at The Wolfman ang meron sa larong ito kaya maghanda sa lahat ng mga kaguluhan na p’wedeng mangyari habang ang mga daliri ay nagpupunto at ang mga pangalan ay nili-lynched. 

How to play:

Imbitahan ang @werewolfbot sa inyong Telegram group. 

  1. I-type ang “/startgame” at kunin ang lahat para sumali.  
  2. I-DDM ng The Werewolf Bot ang iyong tungkulin at ang mga lynching options mo kapag kailangan mo na. 
  3. Para sa mga taga-baryo, hulaan kung sino ang mga werewolves at i-lynch sila. Sa mga werewolves, ang layunin ay patayin ang lahat ng mga taga-baryo. 

No. of players: Minimum 5-6 players


8. Quizarium on Telegram


quizarium - Free online gamesImage adapted from: Billy Tran

Upang mapanatiling buhay ang Telegram groups niyo, maglaro ng Quizarium, libreng trivia game na sinusuri ang general knowledge niyo. May mga katanungan tungkol sa heograpiya, kasaysayan, at musika at walang limit ang pagtatangka sa pagsagot. Wag ka ring mag-alala kung iniisip mo na mahirap ang mga tanong, may bot na awtomatikong nagbibigay ng mga hints.

Ang mas mabilis na daliri ang makakakuha ng mas maraming puntos, kaya ito ay larong pabilisan at talas ng isip. 

How to play:

Imbitahan ang @QuizariumBot sa Telegram group mo.

  1. I-type ang “/start” at pumili ng kategorya at game length na gusto mo.
  2. I-type ang mga tamang sagot nang mabilis hangga’t maaari. 

No. of players: Minimum 2 players


9. Psych!


psych!Image adapted from: Google Play

Bihirang makahanap ng isang app game na parehong libre at may online na kakayahan tulad ng Psych! Ang layunin sa larong ito ay lagpasan ang iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pekeng mga sagot sa mga tunay na trivia questions. Depende sa kung aling deck ang pinili mo, maaaring dapat kang gumawa ng pekeng kahulugan ng isang bihirang salita o baliktarin ang plot ng isang hindi kilalang pelikula. 

How to play:

I-download ang app mula sa App Store o Google Play. Imbitahan ang mga kaibigan at guma ng silid nang magkakasama. 

No. of players: Minimum 2 players


10. Game Pigeon


game pigeonImage adapted from: Billy Tran

Ang Game Pigeon ay parang library collection ng mga party games na mayroon sa iMessage kung ikaw ay naka-iPhone. May mga laro gaya ng klasikong 8 Ball and Basketball kasama ang mga tradisyonal na laro tulad ng Chess and Mancala, lahat ay nakakaaliw sa kanilang sariling paraan. 

Habang karamihan sa mga laro dito ay 2-player games, maaari mo pa rin silang ipadala sa isang iMessage group chat at ang unang tatanggap ng paanyaya mo ang magiging challenger mo. 

Para sa mas marami pang virtual interaction, ang Crazy 8, na kagaya ng Uno, ay isang laro na p’wede sa mas maraming players. 

How to play:

I-download ang application mula sa App Store. Sabihan ang mga kaibigan na i-download din ang app at bigyan ang isa’t isa ng paanyaya sa pamamagitan ng iMessage group chat. 

No. of players: Varies on game


Libreng online games para sa mas masayang video calls 


Kung dati ay madali lamang tayong nakakapaglaro ng boardgames kasama ang ating mga kaibigan o jowa tuwing inuman, ngayon ay matagal-tagal pa tayong makakabalik sa ganoong set-up dahil sa COVID-19. 

Kaya para mas makasama pa ang mga kaibigan kahit sa pamamagitan lamang ng screen, subukang laruin ang mga libreng online games na aming inilista. 

Basahin din ang mga sumusunod:


The English version of this article was originally published on TheSmartLocal.com and written by Billy Tran.